KAHIT HINDI MAN TAYO ANG NAKALAAN
By: Ian Joshua Ejar
Produced by: MERCY BLESS
Simula pa nong umpisa
ika'y hiniling ko na kay bathala
sinabi ko sa kanya na sana
ikaw na yung taong akin nang makakasama.
Pilit kong inalam lahat ng tungkol sayo
tulad nang mga bagay na nais mo,
sapagkat ikaw yung taong gusto ko
ang iisang taong bumuo ng mundo ko
at ng aking buong pagkatao.
Ngunit para bang tadhana'y mailap,
at tila ba'y unti unti nang nawawasak ang
misang binuo kong mga pangarap.
Ang misang akla ko'y sigurado
ay mauuwi lang pala sa kawalan at pagsuko
untiunti na nagbago ang aking mundo
at para bang ako'y hindi na sigurado.
Ang kalmadong puso ay pilit na nalilito
kung makakaahon pa ba sa sakit na iniinda nito,
Sapagkat ang misang taong minahal niya ng buo,ay siya rin palang magiging dahilan ng pagadurog nito.
Pilit akong sumugal sapagkat akala ko
ikaw na yung tamang tao
yung taong akala ko ay siyang lulusaw ng mga agam-agam ng puso, ngunit Ikaw pala'y nakalaan sa ibang tao.
Minasan akong naniwala sa tadhana
sa pag-ibig na ibibigay niya sa akin ng kusa,
Akala ko tayong dalawa yung tugma
ngunit napagtanto ko na hindi ikaw ang nararapat sa aking pahina.
Alam kong hindi maaring pilitin,
pero maari bang subukan natin.
simulan natin ng palihim at saka na sabihin,
kong sigurado na ang bawat isa sa atin.
Hindi man tayo ang nakalaan
pero maaring kapag ito'y ating sinubukan,
ating mapapatunayan
na ating naranasan ang pag-ibig na minsan nating inaasahan.
Huwag nating hayaan
na sa huli ay ating pagsisihan,
na sana nong una ay atin na lamang sinubukan.
Isinulat ko ang tulang ito,
upang ipabatid sayo mahal ko.
na kahit ilang ulit man na madurog ang puso,
at kahit imposible man at hindi sigurado,
ako'y maghihintay sayo hangang dulo.
Ещё видео!