“Walang alanganin” na pinangalanan ng dating customs fixer na si Mark Taguba si Davao City 1st District Rep. Paulo ‘Pulong’ Duterte bilang leader umano ng Davao Group na sangkot sa P6.4-billion illegal drugs shipment na pinalusot sa Bureau of Customs (BOC) noong 2017.
Nang tanungin ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V sa Quad Comm hearing ng Kamara nitong Huwebes, Disyembre 12, kung “normal na napag-uusapan” ang pamumuno umano ni Pulong Duterte sa Davao Group, sumagot si Taguba: “Yes po, your honor.”
Taong 2017 nang makalusot ang nasabing bulto ng ilegal na droga sa bansa, sa panahong ang presidente ay si Rodrigo Duterte, ama ni Pulong Duterte.
#PaoloDuterte
#QuadCommDavaoGroup
#SaraDuterte
Ещё видео!