#SalitaNgDios
#GodSword
#ReadScriptures
#AKLATNGBILANG
AKLAT NG BILANG
Panimula
Ang pamagat ng aklat na ito sa Bibliang Hebreo ay "Sallang" na kung titingnan ay mas angkop kay sa
pamagat na Mga Bilang, na tumutukoy sa pambungad na salaysay ng pagbilang sa mga tao. Ang sensus.
kasama ng mga tagubilin para sa pagkakampo at pagmamartsa, ay kasama sa mas malawak na paksa ng
pananatili ng Israel sa ilang. Ganito ang mga bahagi ng aklat:
(1) Mga paghahanda para sa pag-alis sa Sinai (1:1–10:10);
(2) ang paglalakbay sa Kadesh, kung saan nangyari ang di natuloy na pagsalakay sa Canaan
(10:11-12:13);
(3) ang paglalakbay mula sa Kadesh na dumaan sa kabila ng Jordan para sa layuning makalapit sa
Canaan mula sa silangan (21:14-36:13).
Sa apatnapung taong pananatili sa ilang (33:38; Amos 5:25), ginugol ng mga Israelita ang pinaka-
malaking bahagi nito sa Kadesh-barnea. Batay sa kronolohiya ng mga pari, isang taon ang lumipas mula
sa Exodo hanggang sa pagtatayo ng tabernakulo (Exo. 40:2); ang pagbubuo naman ng mga batas sa
Levitico ay ginawa sa loob ng isang buwan (Bil. 1:1); labinsiyam na araw pagkatapos ng sensus, nilisan
ng Israel ang Sinai (10:11). Ang huling talumpati ni Moises ay binigkas sa katapusan ng ikaapamapung
taon (Deut. 1:3). Ayon sa maaaring guguling panahon ng paglalakbay sa Kadesh hanggang sa kapatagan
ng Moab, nangangahulugan ito na nanatili ang Israel ng higit sa tatlumpu't limang taon sa Kadesh.
Marami sa mga tradisyon ang nagpapakita ng mga pagrereklamo ng Israel, dahilan sa kanilang kalagayan
sa ilang. Ang mga tao ay inilarawang walang pananampalataya, mapaghimagsik
, at bulag sa mga pala-
tandaan ng Diyos. Ngunit ang mga tradisyon ding ito ang nagpapakita na ang Diyos ay kahanga-hangang
pumapatnubay, tumutulong at dumidisiplina sa kanyang mga anak upang matutunan nila ang kanilang
lubusang pagtitiwala sa kanya at sa gayon ay maging handa sa kanilang makasaysayang paglalakbay.
PLEASE SUBSCRIBE TO OUR CHANNEL...
GOD BLES YOU ALL...
Ещё видео!