Iniulat na sinabi umano ng gobyerno ng Estados Unidos na handa silang magbigay ng proteksyon at suporta sa pinaplanong oil at gas exploration ng gobyerno ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Sinabi umano ni US secretary of State Antony Blinken na handa ang kanilang bansa na magbigay ng proteksyon sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga coast guard vessel at warship sa West Philippine Sea kung hihilingin ito ng gobyerno ng Pilipinas.
Sinabi niya na alam ng Washington na nahihirapan ang Pilipinas na payagan ang mga energy companies na magsagawa ng oil at gas exploration sa West Philippine Sea dahil sa pangamba na baka maging dahilan ito upang tumaas lalo ang tensyon sa pagitan ng Beijing at Manila.
Ngunit binigyang-diin niya na hindi dapat matakot ang bansa dahil handa umano ang Estados Unidos na tumulong at nangako din si Blinken na hindi nila papayagan ang Chinese military na kontrahin ang karapatan ng Pilipinas na magsagawa ng anumang aktibidad sa loob ng exclusive economic zone nito.
Ещё видео!