"Akala ko sa pelikula lang ito nangyayari hindi ko akalaing sa murang edad ng batang ito magdamag siyang nagbabalat ng Carrot sa Ilaya Divisoria, nasa gilid sila ng tindahan ng mga sapatos. Naglalakad ako napakatagal ko napahinto at napatitig sa batang mag fo-four years old kasi kahit umuulan imagine 1am ng madaling araw nagbabalat pa rin siya ng carrot, sorry pero kahit ako nagulat kasi hindi ako marunong gumamit ng peeler siya marunong at parang napakadali para sa kanya, wala siyang imik, walang reklamo, kasi para sa kanya kakain sila mag kakapatid dahil dun kaya hindi na ko nagdalawang isip vinideo ko siya baka kahit pano bukod sa sapatos matulungan ko siya na mabigyan tulong ng mabubuting tao at ininterview ko si nanay na nagpapa-dede ng kapatid niyang baby sabi niya sa akin mag two two years old pa lang si nene nagbabalat na ng carrot at pinatunayan yun ng mga nasa paligid na tindera sa mga tindahan, sa awa ko mag po 4 years old na bata kailangan na lumaban sa buhay, mag hanap buhay para sa mga kapatid dahil panganay daw at walang tatay. Isang four years old na bata na halos di pa nagagawa maglaro at mamasyal kailangan na mag hanap buhay at magdamag magbanat buto. Sa sobrang awa ko at bilib sa kanya nakalimutan ko ang kailangan ko, tinanong ko siya ano gusto niya sandals daw, kaya binili ko siya tuwang tuwa siya at ang mga tindera kasi naawa sa kanya pero pagkatapos na hawak niya na sapatos umiiyak na siya. Naluha siya sa tuwa kasi ang alam niya magbabalat lang siya ng Carrot. Super saya niya bago kami umuwi. Sobra nakakaawa samantalang yung iba ni hindi nila maisip tumulong sa magulang at pabigat pa sa lipunan, gusto ko magalit sa nanay niya kaya sabi ko ate bakit siya nagbabalat bakit hindi ikaw, sagot niya dalawa pa kasi itong baby na kapatid niya isang taon itong isa at 6 months old yung isa pinadede ko, sabi ko eh ikaw ano trabaho mo gumawa ng bata para pahirapan hindi siya nakasagot. So Sad. Ito ba talaga ang klase ng lipunan ang ginagalawan natin? Sana sa lahat ng may sobra damit, pagkain, laruan, kumot at payong na masisilungan kapag gabi at umuulan. Lingunin niyo naman ang batang ito, ang bagay na balewala sa inyo malaking bagay sa kanila. At higit sa lahat pagdasal natin na sana dumating ang araw na maging Priority sila ng Gobyerno at bumukas ang langit sa kanila ngayong Paskong darating dahil talaga namang para sa kanila ang tunay na diwa ng pasko. Dahil ang Diyos ay Pag ibig. Kaibigan wag kana humanap pa ng gagawing kabutihan buksan mo lang mata at puso mo andyan lang sila sa tabi mo naghihintay ng awa. Salamat sa mga may pusong makakatulong sa batang ito at kanyang mga kapatid, nawa gamitin kayo ng Diyos para makapagpasaya ngayong pasko at ibabalik sa inyo ng Diyos ang kabutihang nagawa niyo."
#PMSV #Divisoria #Pasko
Text and Video by EdNed So ([ Ссылка ])
Connect with us on:
FACEBOOK
[ Ссылка ]
INSTAGRAM
[ Ссылка ]
TWITTER
[ Ссылка ]
Ещё видео!