NAHULI ang isang most wanted at isa pang wanted sa pinaka bagong opensiba ng Ecija Police laban sa kriminalidad, na isinagawa nitong, Abril 6, 2024.
Kinilala ni PCOL Richard V Caballero, Provincial Director, NEPPO ang isang 43-anyos na lalaking residente ng Barangay Magsaysay Norte, Cabanatuan City bilang Top 6 Most Wanted Person ng Cabanatuan City.
Kung saan ganap na 1:00 ng umaga nagsagawa ng Manhunt Charlie Operation ang joint warrant operatives ng Cabanatuan City Police Station, katulong ang PIU-NEPPO, PIT-NE, RIU3, 1st PMFC NEPPO, 303rd MC-RMFB3 at SCU3 sa Barangay Pamaldan na nagresulta sa sa pag-aresto dito sa bisa ng Warrants of Arrest for Rape , wala itong inirekomendang piyansa.
Samantala, isa pang wanted ang inaresto sa katulad na operasyon na isinagawa ng mga elemento ng Rizal Police Station sa bisa ng Warrants of Arrest for Theft. Nasa kustodiya na ngayon ng operating units ang mga akusado.
Habang, isang (1) loose firearm (Cal. .38 revolver) ang boluntaryong isinuko ng concerned citizen sa Llanera Municipal Police Station bilang tugon sa panawagan ng pulisya na isuko ang lahat ng loose firearms sa kanilang mga unit kaugnay ng PNP Balik Baril Program.
Ещё видео!