Anong ganap sa mundo ng showbiz
Hindi nagpakabog ang Australian TikToker at girlfriend ni Olympics gold medalist Carlos Yulo na si Chloe San Jose nang sagutin niya ang patutsada sa kanya ni Christian ‘Xian’ Albert Gaza.
“Inistalk ko ngayon yung jowa ni Mr. Gold Medalist… babae pala,” sabi ni Xian.
Reply naman sa kanya ni Chloe, “Mars want mo ng birth cert? Pm ko sayo.”
Hindi rin pinalagpas ni Chloe ang patutsada sa kanya ng Direktor na si Darryl Yap matapos nitong gumawa ng sunud-sunod na mga post laban sa kanya.
Ipinagtanggol kasi ni Yap ang ina ni Yulo mula sa mga negatibong komento ng mga netizens laban sa kanya.
"Para sa mga basher ng Nanay ni Carlos Yulo;
Unang-una, alam kong karamihan sa inyo ay mga kakampink na nabubuhay na nanaman sa ilusyon ng pagiging mahalagang woke nyo sa mundo;
tigilan nyo ang pang-aalipusta sa isang Ina—
lalo na sa Ina ng isang Atleta.
Wala kayong karapatang mag-utos o magmagaling ng “ITO ANG DAPAT TANDAAN NG MGA MAGULANG?”
Bastusin nyo araw-araw ang mga magulang nyo na hindi kayo kayang kastiguhin kaya lumaki kayong mangmang at walang kultura. PERO WALA KAYONG KARAPATANG LEKSYUNAN ANG MAGULANG NA HINDI NYO ALAM ANG PINANGGAGALINGAN.
Nagdiriwang tayong lahat ngayon sa mga ginto ni Carlos Yulo—nakita natin ang lahat ng kanyang paghihirap, pagsisikap at pagpupunyagi.
pero hindi natin nakita ang pagtakbo, paggapang, pagtumbling at pagsplit ng Nanay nya para maging tao at mabuhay ang mga anak niya ngayon.
Mali na isapubliko ang away nila,
PERO MAS MALI YUNG TURUAN MO KUNG PAANO MAGPAKAMAGULANG ANG ISANG INANG HINDI MO ALAM ANG PINAGDAANAN
Ano kayo? GOLD?"
Napansin din niya kung paano lumabas si Chloe sa video na in-upload ni Yulo, na nagsasabing ang pahayag ay maaaring hindi talaga para sa gymnast kundi para ipagtanggol ang kanyang kasintahan.
"Mukhang matatagalan bago mag Heal ang nanay ni Carlos, kahit iyon pa ang hiling nya sa video na ito—dahil lalong pagpipyestahan ng mga perpek ang nanay niya.
Hindi rin si Carlos ang nagstatement sa video na ito, kundi itong GF nya.
gaya ng sinabi ni Carlos, magkaiba ang kinagisnan, galawan at pagsasalita nya sa gf nya.
Sigurado ako, kung anuman ang sinabi ni Carlos ay para sa babaeng ito— maaaring hiniling nya na ipagtanggol siya o nagpakita sya na naapektuhan siya kaya may pavideo.
Muli, wala pa rin tayong alam sa buong kwento nila—kaya wag umastang kaya nating ipako sa krus ang Ina. pero ngayon, nakita na natin na may respeto at pagmamahal pa rin si Carlos para sa nanay niya, kaya wag tayong masyadong magaspang.
Kitang-kita rin natin sa larawang ito
kung sino ang tunay na nagkamit ng ginto.” sabi niya.
Bilang ganti, inakusahan ni Chloe si Yap na pinipilit niyang makisali sa isyu.
“Parang ikaw lang direk, dami mong say. Quits lang,” sabi ni Chloe.
“Paanong quits? Ikaw, pina say mo sa jowa,” sagot ni Yap.
Xian Gaza may pahayag patungkol sa Kasintahan ni Gold medalist Carlos Yulo na si Chloe San Jose,
Pinatulan na ni Chloe San Jose si Direk Darryl Yap,
Chloe San Jose pinatulan si Direk Darryl Yap,
Chloe San Jose vs Xian Gaza,
Kulowi for gold! 😅 🥇 📸Chloe San Jose,
Ang say ni xian gaza sa official statement ni Carlos Yulo,
GF ni Carlos Yulo sinupalpal vlogger
***
ARTISTA PH,
ANONG GANAP,
ANONG GANAP SA MUNDO NG SHOWBIZ
***
All videos and photos used in this video are believed to fall under fair use for the purposes of criticism, comment, and news reporting. No copyright infringement is intended. If you are the copyright holder of any material and do not wish for it to appear in this video, please contact me and I will remove it promptly.
***
ARTISTA PH is accepting paid promotions. For inquiries, please message our page or e-mail us at artistaph.official@gmail.com
Ещё видео!