We will survive this 2025! Tumalon ka man o hindi, kumain ng grapes o hindi sa pagpasok ng bagong taon, maniwala ka lang na lucky and blessed ang year 2025 and you will surely thrive. Simulan natin ang new year by smiling from ear to ear—'yun bang ngiting kinikilig. Malay mo, this 2025, umusbong na ang pag-ibig.
Ang first visitors natin ngayong 2025 ay sina Marco Masa at Ashley Sarmiento. Ang mga tito at tita ng Showtime fam, na-amaze dahil little kids pa sina Marco at Ashley nang huli nilang makita. Ibinahagi pa nga nina MC at Lassy na parang 'anak-anakan' nila si Marco sa set ng pelikulang "Beauty and the Bestie" kung saan gumanap si Marco bilang pamangkin ng karakter ni Vice Ganda.
Tuloy-tuloy pa rin ang pagpupugay sa mga breadwinners ng ating buhay. Sa segment na "And The Breadwinner Is," si Ultimate Bidaman Jin Macapagal ang humula kung sino ang totoong breadwinner na virtual assistant.
Susubukan naman ng Showtime hosts na tulungan si Jin sa pagkilatis sa pamamagitan ng aktingan para ilabas ang tunay na kilos ng isang virtual assistant. Si Jackie Gonzaga, nag-request kay Breadwinnable 1 na ihanap siya ng ka-date. 'Retokadang' pics with caption naman ang hiningi ni Lassy, samantalang personal shopper ang kailangan ni MC.
Kilalanin si Bradwinner Rosanna, ang mabait na ate, na tumayong nanay sa dalawang nakababatang kapatid simula nang maghiwalay ang kanilang mga magulang noong 13 years old pa lamang siya. Maagang nagsimulang rumaket hanggang makapagtapos ng senior high school at kumarir bilang virtual assistant.
Sa mga kapatid humuhugot ng lakas at inspirasyon. Pero ang ina na dapat sana’y katuwang at pinagkukunan ng pagmamahal, naging dagdag pa sa pasanin ni Rosanna dahil kahit pag-aasikaso sa bahay nila ay may kapalit na bayad pa. Minsan nga, pati boyfriend ng ina ay inaabutan niya ng pera upang makaiwas sa ‘di pagkakaunawaan. Sa usaping ‘yan, may honest reaction si Vice Ganda.
Palaging inuuna ni Rosanna ang iba, kahit ang problema sa kalusugan ay isinantabi niya muna. Hindi man hawak ng ‘Showtime’ family ang solusyon sa lahat ng kan’yang problema, pero hatid nila ay mga regalo na magpapagaan sa kalooban at mapapangiti sa kan’ya.
Sa pagsisimula ng bagong taon, pasabog ang performances ng mga singing-tudyante sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”
What a great way to start 2025! With a bang ang performance ni St. Thomas Academy bet, Alexa Laude, na kinanta ang Tori Kelly hit na “Don’t You Worry ‘Bout A Thing.”
This year, mas magiging matapang daw si Jordan Molina ng Philippine Normal University na sumali sa mga singing contests. At first stop niya, Tawag Ng Tanghalan agad!
Mas maganda ang naging pasok ng taon ni Alexa dahil siya ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Darren Espanto, Klarisse de Guzman, at Dingdong Avanzado. Siya ang panalo sa araw na ito at aabante sa next Midterms round.
#ItsShowtime2025
#ItsShowtimeFullEp
#ABSCBNEntertainment
It’s Showtime January 1, 2025 | Full Episode
Теги
ABS-CBN EntertainmentEntertainmentItsShowtimePerson:ViceGandaperson:VhongNavarroperson:JhongHilarioperson:AnneCurtisperson:Karylleperson:RyanBangperson:TeddyCorpuzperson:JugsJuguetfaperson:AmyPerezperson:KimChiuperson:JackieGonzagaperson:IonPerezperson:OgieAlcasidvertical:EntertainmentAnd The BreadwinnerTawag Ng Tanghalan School Showdown20250101onlineShowtime January 1 2025ItsShowtime_FullEpisodeShowtimePinakamasayangTaonItsShowtimeShowtimeYTOpsZeth