LIVE | Halina’t makiisa sa makasaysayang paglulunsad ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) Mall Tour! Sa apat na SM Malls sa Metro Manila (Mall of Asia, SM Megamall, SM North EDSA, at SM Fairview), tatanggap ng ayuda ang mga empleyadong may mababang kita, partikular ang mga sumusuweldo ng minimum wage o may pinagdadaanang problemang pinansyal. Simula pa lamang ito—ikakalat ang programa sa iba pang malls sa Metro Manila at, sa hinaharap, sa buong bansa. Kung may kapamilya, kaibigan, o kamag-anak kayong nagtatrabaho sa mga malls, abangan ang AKAP Mall Tour upang malaman kung sila’y kwalipikado at kung paano matatanggap ang nararapat na tulong mula sa pamahalaan.
Ещё видео!