Mula sa daungan ng Guiuan sa Eastern Samar, kailangang bumiyahe ng higit dalawang oras sakay ng bangka para marating ang isla ng Suluan.
Isa ito sa pinupuntahan ng mga turista sa Eastern Samar pero isa rin ito sa mga islang hindi pa rin 24 hours ang supply ng kuryente.
Araw-araw, walong oras lang ang kuryente sa isla.
Ngayon, nagkaroon ng grupo ng mga kababaihang nagsusulong sa paggamit ng solar power sa isla bilang alternatibong pagkukunan ng kuryente.
Tumatayong lider ng grupong Sulong Suluan ang ina na si Alma Latina. Nang mabuo ang grupo nina Alma, pumasok ang Institute for Climate and Sustainable Cities o ICSC para tulungan sila sa mga proyekto na tutugon sa paputol-putol na suplay ng kuryente sa isla.
Kwento ni Alma: "Nung magkakuryente na, lalo na dun sa mga kalsada, naging mas bibo 'yung barangay. Kasi, makakalakad ka na ng malayo. Mas ligtas 'yung mga bata pag sa gabi. Tsaka mas kampante ka na makakauwi talaga ng ligtas."
Isa lang si Alma sa maraming ilaw ng tahanan sa isla ng Suluan na patuloy na nangangarap na balang araw ay magliliwanag ang buong isla at hindi na kailan man didilim pa.
"Sana nga po matupad po 'yung layunin ng ICSC na ma-solarize 'yung buong isla. At sana po ma-sustain." -- Ulat ni Raphael Bosano para sa programang Tao Po. (December 8, 2024)
For more Tao Po videos, click the link below:
[ Ссылка ]
For more My Puhunan: Kaya Mo! videos, click the link below:
[ Ссылка ] list=PLgyY1WylJUmjJk2miiYrWnq15JWz2E5hL
For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below:
[ Ссылка ]
Subscribe to the ABS-CBN News channel! - [ Ссылка ]
Watch full episodes on iWantTFC for FREE here:
[ Ссылка ]
Visit our website at [ Ссылка ]
Facebook: [ Ссылка ]
Twitter: [ Ссылка ]
Instagram: [ Ссылка ]
#TaoPo
#LatestNews
#ABSCBNNews
Ещё видео!