ginamit ko ang orasyon na ito noong nakaraang mahal na araw nang umuwi ako saming Probinsiya, palagi ko itong inuusal kapag nagagawi ako sa bukid, sa kawayanan, at totoong kapag may mga mutya sa paligid ay makakaramdam ka ng kakaibang init sa lugar na inuusalan mo ng orasyon, kapag itinapat mo ang kamay mo sa lugar na iyon ay may kilabot, at kuryenteng dadaloy na magmumula sa mga daliri mo paitaas hanggang sa kaloob-looban mo, yun nga lang hindi lahat ay matatawag mo agad-agad. May tamang panahon parin para sayo,..
akala ko noon wala na akong natawag dahil noong nag ani kami ng niyog ay wala akong nakita na kakaiba pero kung kailan malapit na ang mahal na araw at kailangan kong dagdagan yung mga niyog na nakuha ko noong nakaraan, sapagkat wala talagang mabilhan sa amin, kinuha parin at inani ng kuya ko yung nga natitirang niyog sa kabilang taniman namin kahit pa naaksidente ang kuya ko at nasugatan ang daliri sa paa dahil nakatapak siya ng matalas na kawayan,
pinagpaliban ko ang pag check sa niyog na dala ni kuya dahil pagod ako noong araw ng sabado na iyon, kaya kinaumagahan sa araw ng linggo bago mag lunes santo, nagpasya akong isa isahin yung mga niyog dahil nga kailangan ko iyong bilangin sapagkat kapag mahal na araw ay gumagawa ako ng langis upang magamit ko sa paghihilot.
At laking tuwa ko dahil ang 27 piraso ng niyog na dala ng kuya ko noong sabado ay may isang naligaw na niyog na may isang mata at isang bibig, yan ay isa paring mutya na mula sa puno ng niyog na bigay mismo ng kalikasan
Marami din ang katangian ng nakuha kong mutya at iyon ay masusubukan ko palamang sapagkat ayaw ko naman na iyon ay biyakin.
Ещё видео!