Let's Talk About Health: Pott’s Disease | Usapang Pangkalusugan
Si Jake Ballester na dumulog sa ating tanggapan ay lumalaban sa Pott’s Disease.
Ngunit ano nga ba ang Pott’s Disease? Ang ibang tawag dito ay tuberculous spondylitis o tuberculosis sa spine o gulugod. Ito ay sanhi ng impeksyon sa spinal column. Ito ay nailalarawan ng paglambot at pagcollapse ng spine, na kadalasang nagdudulot ng pagkurba ng likod. Nagsisimula ang impeksyon sa kahabaan ng vertebra at dahandahang kumakalat sa ibang nahahawang bahagi ng katawan. May abscesses, o yung paraan ng katawan para gamutin ang mga impeksyon, ay namumuo at nagiging soft tissues na katabi ng spine, na nagsasanhi ng matinding sakit sa mga bahaging malayo sa impeksyon. Paminsanminsan, naaapektuhan ang mga spinal nerves, at maaaring magdulot ng paralysis. Ang mga may pott’s disease ay dumadaing sa sakit ng paggalaw. Ang sakit na ito ay tumatagal ng buwan hanggang taon. Ang treatment para dito ay chemotherapy at operasyon.
**Info verified by Dr. Charlie Labarda
Ещё видео!