ATTENTION: Copyright Disclaimer under Section 107 of the copyright act 1976, allowance is made for fair use for purposes such as criticism, comment, news reporting, scholarship, and research. Fair use is a use permitted by copyright statute that might otherwise be infringing. Non-profit, educational or personal use tips the balance in favour of fair use.This video is made for entertainment purposes only.
NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED. Disclaimer: I do not own anything, credits to the original artist and owners. This is for entertainment purpose only!
Lyrics:
[Verse 1: Flow G]
Mahal kamusta? Sarap ba gising mo buti nakatulog ka
Ako eto simula nung nangyari lahat 'to ay binabangungot na
Ligaw na ligaw 'di alam kung sa'n pupunta halos malunod na
Dahil sa pagkalugmok na may halong lungkot kaya laging nagluluksa
Nabugbog pa kahit na utak ko lang ang kalaban ako ay nadurog
Kahit na sa tinik ako'y natusok ay naging tahimik hindi na rin para humugot
May luhang tutulo tuwing nakamukmok ako sa ilalim ng kumot, ako ay nahulog
Biktima sa sitwasyon na may aral paring mapupulot
Pero 'wag mag-aalala kahit papa'no nakakahinga
Hindi nakatulong 'yung kasabihang pag napagod kailangan lang magpahinga
Ilang gabi na, na nakadilat parin ako kahit gabing-gabi na
Pero hindi parin magmakaawa kahit na kawawa't aping-api na
Ikaw kamusta ka d'yan? sana hindi mo 'to mapakinggan
Kase ayaw ko sabihin mo sa sinabi ko ikaw ang pinaparinggan
Sumakay ako sa alon mo kase akala ko pareho tayo na gustong magkapitan
Eh 'di sana 'di na nagkainteres sa interes ko eto ang bunga ng kapital
[Chorus: Flow G]
'Di ko alam pa'no nangyari 'to lahat
Yung pinaghirapan nating dalawa ay wasak
Ang bilis ng pangyayari't naganap
Kaya maging ako'y gulat na gulat
[Post-Chorus: Flow G]
Mga ala-ala na nakakatakot maalala
Naranasan nating dalawa na magkasama, wala na
Napalitan na ng lungkot ang ligaya
Yun ang 'di ko kaya
[Verse 2: Flow G]
Buti ka pa parang hindi mo iniinda
Habang ako ay hirap na matulog at sana hindi na gumising pa
Gusto ko ng medisina para hindi na makadama ng sakit sa tuwina
Pampamanhid bibilhin ko agad kung meron man nagtitinda
'Di ko na pinilit alamin ang totoo kase iniisip ko baka mas lalong gumulo
Yung sabay natin na binuo nawala rin kaagad kase puno ng ala-alang madugo
Pagkamag-isa nakaupo madalas nakayuko kasabay ng luha ayaw matuyo
Pag may kaharap na ibang tao naku po magpapangggap na buo
Kailangan masaya ako palagi kahit na hindi na katulad ng dati
Para 'di nila isipin na nahihiripan ako sa lahat na nangyayari
Sinasarili ang bawat kirot na pinapasan sa likod
Dapat nagtataka lagi kung bakit bulok ang binunga imbis na hinog
Mahirap magpanggap na ayos lang
Kaso kailangan sa ganitong kaganapan
Ay dapat agapang makita ang 'yong kahinaan
Para hindi kaawaan o pagtawanan
Mahirap palang maranasang masaktan
Sa kamay ng napiling pakisamahan
[Chorus: Flow G]
'Di ko alam pa'no nangyari 'to lahat
Yung pinaghirapan nating dalawa ay wasak
Ang bilis ng pangyayari't naganap
Kaya maging ako'y gulat na gulat
[Post-Chorus: Flow G]
Mga ala-ala na nakakatakot maalala
Naranasan nating dalawa na magkasama, wala na
Napalitan na ng lungkot ang ligaya
Yun ang 'di ko kaya
[Verse 3: Gloc 9]
Sana ako'y tulad ng iba
Kaya kang iwanan d'yan na mag-isa
Luha mo ay hindi pupunasan
Tatawanan pagkatapos sugatan, hindi ganun
Tinulungan kang makalipad
Para sa'yo ay nakahanda akong gawin ang lahat
Wala na sa'king natira baliwala pa
Pakinggan n'yo ang makabagong istorya ng Ibong Adarna
Bakit ganun ang panahon
Ako ay napakaraming tanong
Akala ko ay dinala kita sa palasyo
Pero sabi mo ay kinahon
Ang dating tayo na palaging masaya at nagsasama ng matiwasay
Init ng apoy na namamatay
Panggatong ako na lamang ang naglalagay
Ano ba sa iyong palagay
Inakay na kita makadaan sa landas na madilim
'Di naman ako yung tipo na lalaki iiwanan ka na lamang kase natapos na kitang pitasin
Napakahirap abutin 'di mo ba napansin, dinidiligan ko ang 'yong hardin
Inaabangan na dumating bakit madalas ka na yatang inabutan ng dilim
O bakit parang lumalalim ang sugat
Ayaw kong tingnan kahit laging nakamulat
Alam ko na ang siyang nilalaman ng sulat
Mabigat pero 'di na magugulat
Hinihintay kita makauwi lumuluha kahit nakangiti
Lungkot na palagi kong buhat hindi ko masukat pilitin ko maikubli
Balita ko may sinasabi ang mga chismosa na ale
'Di ko inakala 'to grabe sa ulo ko ay may tae
[Chorus: Gloc 9]
'Di ko alam pa'no nangyari 'to lahat
Yung pinaghirapan nating dalawa ay wasak
Ang bilis ng pangyayari't naganap
Kaya maging ako'y gulat na gulat
[Post-Chorus: Gloc 9]
Mga ala-ala na nakakatakot maalala
Naranasan nating dalawa na magkasama, wala na
Napalitan na ng lungkot ang ligaya
Yun ang 'di ko kaya
#ibongadarnasong #flowgsong #gloc9song
Ещё видео!