Ang Komonwelt ng Australia ay ang ikaanim na pinakamalaking bansa sa mundo, ang kaisa-isang bansa na sumasakop sa isang kontinente, at ang pinakamalaki sa rehiyon ng Australasia/Oceania. Kabilang din sa teritoryo nito ang ilang mga pulo, ang pinakamalaki rito ay ang Tasmania, na nagsisilbing isang estado ng Australia. Ang Australia ay isang pederasyon at pinamamahalaan bilang parlamentaryong monarkiyang konstitusyonal (constitutional monarchy). Kasama sa mga karatig-bansa ng Australia ay ang Indonesia, Silangang Timor, at Papua New Guinea sa hilaga, ang Kapuluang Pasipiko sa hilagang-kanluran, ang Kapuluang Solomon at Vanuatu sa hilagang-silangan, at ang New Zealand sa timog-silangan.
Ещё видео!