#foodprocessingequipments
Welcome po sa aking youtube channel.
Ngayon po ipapakita ko ang aking homemade banana slicer. Simulan po natin sa blade, ang original blade po nito ay 2mm, 2mm din po ang thickness ng banana chips. Ang requirements po ay 1mm lang, nagpalit po tayo ng 0.8mm na blade. Ito naman pong plate binili po standard. Dito naman po ang ginawa ko lang, pinantay ko itong portion na ito( outer plate cavity) kasi naka fit siya doon sa original na blade. Ito namang portion na ito (inner plate cavity), nilagyan ko ng cut out yung blade para hindi tumama doon sa naka extrude na part.
Ito po yung casing, sa unang design buo po, ngayon hinati ko na para nabubuksan yong ibabaw. Tapos itong part po na ito para sa lock, mas maganda kung door latch po ung gagamitin( walang available part due to quarantine). door latch para madali ikabit at tanggalin. Ang shaft po nito ay 3/4inch standard, fit naman po dito(plate hole) hindi na po kailangan ipa machine shop. Ang sprocket po ay kinuha ko sa starter ng motor( reject item). Minodify ko lang siya, binutasan ko para sa lock same din dito sa maliit. Tapos yung wash motor bagong bili po (CBM MOTOR XDT-60-F) 60watts 1370rpm.
Sa paglagay po nung plate, make sure po na yung guide sakto po doon sa stopper para hindi po tumalsik kapag umikot or para hindi bumangga sa taas ng plate.
Limited po ang sample natin dahil naka lockdown po tayo. Sana po sa video na ito ay may makuha po kayong idea na makakatulong po sa pagdevelop ng inyong version po banana slicer.
Maraming salamat po sa panonood.
Sana po ay suportahan ninyo ang aking channel para po makapagpatuloy po ako sa aking product development at makapag share po ng iba pang idea sa susunod na mga videos.
If you find this video helpful, please hit the like button.
Don't forget to subscribe to my channel and hit the notification bell to keep you posted for future videos!
Ещё видео!