Kami ay nag punta kila Tita Andrea sa Calaca Batangas dahil fiesta doon at ngayun lang ulit ako naka punta doon, napaka daming handa at tuwing pupunta kami kila Tita hindi lang isang bahay ang kinakainan namin lahat ng kamag anak nya dinadala kami para kumain kaya naman kamiy lahat ay nabusog lalo na si Phia at Tita Tere hehe.
At pag sapit ng hapon kami naman ay nagpunta sa dagat lagi kaming napunta sa dagat kada kamiy mamimiesta sa Calaca Batangas, at bago dumilim ay bumalik na kami para manood ng sagala kasali kasi ang aking pinsan na magka patid na sina Edward at Andrew at pagkatapos ng sagala ay kumain muna kami ng hapunan bago umuwi.
Ещё видео!