PAGTATANIM AT PAG-AALAGA NG PAPAYA PARA MAGKAROON NG HITIK NA HITIK AT MATAMIS NA BUNGA
Ngayong araw na ito ay ise-share ko sa inyo kung paano ang tamang pagtatanim at pag-aalaga ng Papaya para magkaroon ng hitik na hitik sa bunga.
Ang Papaya ay masarap at masustansiya, pampalinaw ng mata na isa sa mga paboritong prutas ng Magsasakang Reporter
Ilan sa taglay na health benefits ng Papaya ay may mataas na anti-oxidant property, anti-cancer, Protein, Vatamin A, Calcium, Potassium, Vatamin C, Folate, Magnesium at Fiber.
Ang Papaya ay may enzyme na Papain, improve hearth health, fight inflamation, improve digestion at marami pang iba
Masarap na panghimagas ang hinog na Papaya habang ang green na bunga nito ay masarap na sahog sa tinola at iba pang lutuin.
Sa pagtatanim ng Papaya ay magandang ipunla muna ang mga buto nito mula sa hinog na bunga o kaya'y mula sa binhi o seeds nito na maaaring bumili mula sa mga plant nursery, SM Supermarket, Ace Hardware, Handyman, Shopwise Supermarket iba pa.
Simpleng alagaan, patubuin gawing masarap at matamis ang bunga ng Papaya.
Tiyakin lamang na matabang lupa ang gagamitin sa pagpupunta at pagtatanim ng ano mang halaman, tulad ng Papaya.
Ang matabang lupa ay pundasyon ng malusog ng halaman.
Ang ratio ng lupa sa pagpupunla at pagtatanim ng mga halaman tulad ng Papaya ay 60 percent garden soil o buhaghag na lupa, 20 percent ipa ng palay, o Carbonize Rice Hull or cocopeat at 20 percent ay vermicompost or chicken manure
Sa pagpupunla ay maaari gumamit ng sira at butas na palanggana, ilagay lang ang mga buto ng Papaya at takpan ng 1-inches saka bahagyan diligan araw-araw hanggang tumubo makalipas ang 7 hanggang 10 araw.
Kapag nasa isang dangkal na ang laki ng mga punlang Papaya ay maaari na silang i-transplant sa permanenteng pagtatanim.
Gumawa ng butas sa lupa na nasa isa't kalahating dangkal ang lalim, lagyan ng cocopeat o ipa ng palay at vermicompost ang butas bago itanim ang Papaya.
Sa paglilipat tanim ay tiyakin lamang na huwag masira ang ugat ng Papaya, ilagay sa ginawang butas at takpan ng lupa hanggang sa kalahati ng laki ng halaman.
Tiyakin din na direktang naaarawan ang pagtataniman ng Papaya. Kapag nasa isang buwan na ito ay maaari ng diligan at ispreyan ng natural fertilizer na Fermented Plant Juice (FPJ),.isang beses kada Linggo para manatiling malusog.
Pagkalipas ng 3-buwan ay maaari ng mamulaklak kaya ispreyan at diligan na ng Fermented Fruit Juice.(FFJ) once a week.
Para hindi lapitin ng mga insekto ang Papaya ay one's a week ding mag-ispray ng Oriental Herbal Nutrients (OHN) kahit walang naninira para maagapan agad ang posibleng manira sa ating mga tanim.
Sa loob ng 4 hanggang 6 na buwan ay makakapitas kana ng bunga na sahog sa tinola habang sa 7 hanggang 8 buwan ay makakapitas kana ng hinog na Papaya.
Maaring mabuhay ang Papaya ng hanggang dalawang taon at tuloy tuloy ang pagbunga nito.
Para maging matamis at masarap ang hinog na bunga ng Papaya ay isang beses kada isang linggo ay ispreyan ng potassium o FFJ.
Makakatipid kana, masustansiya pa ang pagsasaluan ng buong pamilya at hindi ka maaapektuhan ng mataas na presyo ng Papaya sa Merkado..
Tandaan lang po na laging i-apply ang TLC-Tender Love and Care sa pagtatanim ng mga halaman para ito ay mapakinabangan.
Ang Magsaskang Reporter po ay marami ng tanim pero patuloy pang nagtatanim dahil sa paniniwalang ang pagkakaroon ng seguridad sa pagkain ay dapat magsimula sa ating tahanan, "FOOD SECURITY STARTS AT HOME.
Milyun-milyon ngayon ang nagugutom, maraming kabataan ang malnutrition, ang pagtatanim at pagkain ng gulay ang solusyon.
Nagawa ko po ito, magagawa rin po ninyo.
Nawa po ay nakapag-share ako ng kaalaman at impormasyon ngayong araw na ito tungkol sa pagtatanim, pag-aalaga at pagkakaroon ng hitik na hitik sa bunga ng Papaya.
Para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba't-ibang uri ng halaman ay maari po kayong manood at makinig ng aking TV at Radio program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8-00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapakinggan din po sa Radyo Singko 92.3 News FM. Live din ninyong mapapanood sa Facebook at Youtube.
Maaari din kayong manood at mag-subscribe sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER para sa iba pang kaalaman at ipormasyon sa pagtatanim ng iba't-ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng Organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Group of Publication. (30)
Ещё видео!