Santa Clara ng Assisi
Ina ng Pobres Claras, Birhen, Madre
Simula ng talambuhay:
Ang kanyang tunay na pangalan ay Chiara Offreduccio na binibigkas sa ibang lengwahe na Clara. Isinilang siya noong July 16 1194 sa isang mayamang pamilya sa Italya. Siya ang panganay sa kanilang magkakapatid. Bata pa lamang ay sinanay na siya ng kanyang ina na maging madasalin at magkaroon ng takot sa Diyos. Lubhang napakagandang bata ni Santa Clara kaya ninais ng kanyang ama na ipakasal siya gaya ng tradisyon sa pamilya. Ngunit labag ito sa kalooban niya. Labinwalong taong gulang siya noong marinig magpahayag si San Francisco de Assisi. Humingi siya ng tulong kay San Francisco upang makaiwas sa naisin ng kanyang ama at upang mamuhay ng ayon sa ebanghelyo. Noong gabi ng palaspasan 1212, tinulungan siya ng ilang kamaganak na umalis sa kanilang tahanan at sumama kay San Francisco sa maliit na kapilya ng "Portiuncula". Doon ay inialay si Santa Clara kay Hesus, ginupitan ng buhok at pinagpalit ang mamahaling kasuotan para sa payak na abito at belo. Inilagay muna siya kasama ng mga madre ng orden ni San Benedicto. Nang malaman ito ng kanyang ama ay sapilitan siyang pinapauwi. Kumapit siya sa altar at tinanggal ang belo at nagpahayag na siya ay kay Hesus lamang. Sumama rin sa kanya ang kapatid niyang si Catarina (Agnes) at ang kanilang ina gayundin ang maraming kababaihan.
Ang Pobres Claras
Inilaan ni San Francisco ang simbahan ng San Damiano upang magsilbing clausura nila. Doon ay namuhay sila ayon sa kahirapan, kapayakan at katahimikan. Unang tinawag sa kanila ang "Pobres Mujeres de San Damiano". Pinamunuan ito saglit ni San Francisco bago ibigay kay Santa Clara ang gampanin bilang pinuno. Mula noon ay tinawag silang "Pobres Claras".
Bakit niya hawak ang Santissimo Sacramento?
Noong 1224, ang Assisi ay dinambong ng mga kawal. Si Santa Clara ay maysakit noon kaya nang lulusbin na ang kumbento, lumabas si Santa Clara taglay ang katawan ni Hesus sa Santissimo Sacramento. Nanalangin siya sa Diyos na ipagtanggol ang kanyang mga tagasunod na hindi niya kayang ipagtanggol sa mga oras na iyon. Nang itaas ni Santa Clara ng buong tapang ang Katawan ng Panginoon, isang liwanag mula sa kaitaasan ang sumilaw sa mata ng mga kawal na nakabulag sa kanila. Nilisan ng mga kawal ang Assisi at hindi na ito muling hinamak.
Pagpanaw:
Pumanaw si Santa Clara noong 1253 dahil sa karamdaman. Ang kanyang mga huling wika ay "Purihin ka nawa, O Diyos, sapagkat ako ay Iyong nilikha."
Source: catholic.org
Translation: Nsdp-SocCom
Ещё видео!