Paano Gawan Ng Remedyo Ang Umaapaw Na Poso Negro
Common na sa kaalaman ng maraming may-ari ng bahay na kapag umapaw ang kanilang Poso Negro ang remedyo ay ipasipsip.
Tama po naman yon lalo kapag medyo matagal na ang Poso Negro at mahabang taon na ang binilang. Pero pagkatapos masipsip at sa maikling panahon ay naranasan uli ang pag apaw ng Poso Negro, hindi na po Normal ang ganoon.
Pweding may bara ang alinman sa mga tubong daluyan na nagmumula sa enedoro. Kapag wala doon ang bara maaring nasa tubo patawid mula sa Digestion Chamber patungong Fine Course.
Ngunit kung wala lahat sa nabanggit ang dahilan ng pagbabara, maaring nasa Cleanout na. Ang Cleanout ay ang daluyan ng excess na tubig na nagmumula sa toilet bowl, paliguan, labahan maging sa kusina kung connected ang tubo sa Septic Tank patungong main canal.
Ang remedyo ay alisan ng bara ang Cleanout, pero kung barado na dahil sa kalawang dahil pondedo o cast iron ang ginamit , malamang sarado na ito ng kalawang, mas mabuting gumawa ng bagong cleanout.
Salamat po.
ANG ANLUWAGI...
09308117403
Ещё видео!