Ayon sa tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) PCol. Jean Fajardo, may lumabas na dismissal order noong 2017 laban sa dating pulis na si Willie Gonzales dahil sa mga reklamong grave misconduct. Taong 2016 nang magretiro bilang pulis si Gonzales na sangkot sa nag-viral na video kamakailan matapos niyang bumunot ng baril at pagbantaan ang nakaalitang siklista sa Quezon City.
Dagdag ni Fajardo sa Laging Handa briefing, wala na ring nakukuhang retirement benefits ang dating pulis nang na-deny ang kaniyang motion for reconsideration at naging pinal ang dismissal niya sa serbisyo. #News5
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: [ Ссылка ]
Website: news5.com.ph
Ещё видео!