On this video ay gagawa po tayo ng ensaladang labanos, sa iba ay kinilaw na labanos ang tawag dito. Masarap na pang-partner sa mga prito at inihaw na ulam natin. Perfect sa pananghalian lalo na kasama ang buong pamilya o mga kaibigan. Magandang pang dagdag sa ating boodle fight.
Panoorin nyo po ang version ko ng labanos salad recipe… crunchy at may sipa ng asim-tamis…
Mga ingredients
½ kilo ng labanos, hiniwa ng manipis
3 piraso ng kamatis, hiniwa ng manipis
4 – 6 na piraso ng sibuyas na tagalog (native ung tawag ng iba)
Dahoon ng sariwang sibuyas (spring onion)
½ tasa sukang puti
1 kutsara asukal na puti
Asin at paminta, ayon sa inyong panlasa
Tubig, panghugas sa labanos
Paraan ng Paggawa
1. Hugasan muna ang mga gulay (labanos, kamatis at sibuyas). Balatan at hiwain ng maninipis.
2. Ilagay sa isang deep bowl ang labanos, budburan ng maraming asin at lamasing Mabuti. Ingatan lang at iwasan na madurog ang labanos. We do this para lumabas ang katas ng labanos at hindi masyadong mapakla sa dila kapag kinain.
3. Hugasan at banlawang mabuti ang labanos hanggang sa maalis na ang lasa ng asin.
4. Sunod ay ilagay na ang hiniwang kamatis at sibuyas (huwag muna ilalahat). Ilagay na rin ang asin, paminta, asukal at suka. Haluing Mabuti.
5. Pagkatapos ay pwede ng ilagay ang natitirang ingredients, haluin muli at ready na ito.
Masarap ipartner sa pritong isda o karne, tuyo, o kaya mga inihaw.
#EnsaladangLabanos #KinilawNaLabanos (ensaladang labanos at kamatis)
*********************
If you like this video, please hit that thumbs up and let me know your comments on this recipe.
*******************
Visit Happy Kusinera homepage for more easy and simple recipes, mga lutong bahay para sa ating mga Pinoy.
[ Ссылка ]
Please don’t forget to SUBSCRIBE here: [ Ссылка ]
*******************
Thank you for watching & see you next time. Blessings to you!
Ещё видео!