Ito Na Ang Anim (6) na Diesel Multiple Unit (DMU) railcars ng Philippine National Railways (PNR), DUMATING NA!
Bago pa man dumating sa Pinas ang mga bagong bagon, sumailalim na sa testing at commissioning ang mga ito sa Indonesia. Kasunod nito, sasailalim na lamang ang mga bagon sa 150 hours validation run at magiging FULLY READY NA para sa commercial operations.
Sa ika-16 ng Disyembre 2019, sasalang na ang mga ito sa inaugural run mula Dela Rosa station hanggang Tutuban.
Kapag dumating na ang lahat ng mga bagon, inaasahang aabot sa 140,000 pasahero na ang maseserbisyuhan ng PNR at mas dadami pa ang biyahe dahil magiging 20 minutes na ang headway tuwing peak hours.
Bukod pa rito, may paparating din na mga air-conditioning unit (ACUs) na i-install naman sa mga existing railcar ng PNR.
Sa darating na 2020, mas maginhawa at kumportable na ang biyahe ng ating mga mananakay sa PNR!
[Video Courtesy: Philippine National Railways]
REMEMBER TO:
LIKE👍 SUBSCRIBE ▶️ HIT THE NOTIFICATION BELL🔔
FOR MORE VIDEO UPDATES!😊
THANK YOU ALL FOR WATCHING!😘
#DOTrPH🇵🇭
#RailwaysSectorWorks
#ComfortableLifeForAll
#PartnersForChange
Ещё видео!