Angelica Yulo, Proud Na Proud sa Anak na si Eldrew Yulo Matapos Mag-uwi ng Gold Medals sa Hong Kong!
Hindi maitatanggi ang kasiyahan at pagmamalaki ni Angelica Yulo para sa kanyang anak na si Eldrew Yulo matapos itong magwagi ng mga medalya sa Chiu Wai Chung Cup na ginanap kamakailan sa Hong Kong. Si Eldrew, bahagi ng Men’s Artistic Gymnastics team ng Pilipinas, ay humakot ng pitong gintong medalya, kabilang ang mga kategoryang Individual All-Around, Floor Exercise, Vault, Parallel Bars, Horizontal Bar, Pommel Horse, at Still Rings.
Sa kanyang Facebook post, ibinandera ni Angelica ang tagumpay ng anak sa pamamagitan ng pagbabahagi ng larawan nito habang hawak ang dalawang tropeyo at suot ang maraming medalya sa leeg. Proud na sinabi niya sa caption: “Prayers granted. Medal sweep – Way to go,” kalakip ang hashtags na “Yulo siblings,” “Team Yulo,” at “to God be all the glory.” Ang post na ito ay mabilis na umani ng libu-libong reactions mula sa mga netizens, na sumusuporta at bumabati kay Eldrew sa kanyang tagumpay.
Ayon din sa Facebook page ng Gymnastics Association of the Philippines, si Eldrew ang nanguna sa dami ng medalyang naiuwi ng Pilipinas mula sa kompetisyon. Sa kabuuan, ang Men’s Artistic Gymnastics team ng bansa ay nagtala ng 14 na gintong medalya, 6 na pilak, at 5 tansong medalya.
#CarlosYulo #AngelicaYulo #ChloeSanJose #EldrewYulo
Ещё видео!