#SalitaNgDios
#GodSword
#ReadScriptures
#SALMO
AKLAT NG SALMO
Panimula
Ang buháy na diwa ng alinmang relihiyon ay lubusang naihahayag sa pamamagitan ng mga awit nito. Ang Mga Awit ay awit ng sinaunang Israel, tinipon mula sa matatandang bunton ng mga kanta na
ginagamit sa templo ni Zerubabel (Ezra 5:2; Hagai 1:14). Karamihan sa mga awit ay binuo upang magamit sa pananambahan sa templo.
Ang mga ito ay maaaring pagbukod-bukurin ayon sa mga sumusunod:
Himno (mga pagpupuring nararapat sa anumang pangyayari at kabilang din dito ang mga uri kung saan ipinagdiriwang ang pagiging hari ng Panginoon, at ang Mga Awit ng Zion na nagpapahayag ng pagma-
mahal sa Banal na Lunsod); Mga Panaghoy (dito ay humihiling ang isang tao ng kaligtasan mula sa sakit o maling pagbibintang, o paghiling ng tulong ng isang bansa sa panahon ng kahirapan); Mga Awit
ng Pagtitiwala (mga awiting nagpapahayag ng pagtitiwala na ang Diyos ay laging handang tumulong);
Pagpapasalamat (ipinahahayag ng tao ang kanyang pasasalamat dahil sa naranasang pagliligtas), Banal na Kasaysayan (isinasalaysay ng bansa ang pakikitungo ng Diyos sa kanya); Mga Awit para sa Hari
(ginagamit sa panahon ng koronasyon ng bagong hari o kasalan sa kaharian); Mga Awit ng Karunungan (mga pagbubulay-bulay sa buhay at pamamaraan ng Diyos); at Mga Liturhiya (kalimitan ay halo-halo
ang uri at binuo upang gamitin sa ilang natatanging pangyayaring may kaugnay sa pagsamba o kasaysayan).
Ang aklat ng Mga Awit ay nagpapakita ng maraming bahagi ng karanasang pangrelihiyon ng Israel.
Ang mga mensaheng espirituwal at kagandahan nito ay mga katangian upang ito ay ituring bilang kabang-yaman na mapagkukunan ng pampubliko at pansariling pag-aaral mula pa noong mga unang panahon.
PLEASE SUBSCRIBE TO OUR CHANNEL...
GOD BLES YOU ALL...
Ещё видео!