Si Robert Riu Andrews (ipinanganak noong Nobyembre 30, 1976), na kilala bilang Bobby Andrews, ay isang Pilipinong artista, TV host at dating matinee idol. Nagsimula bilang isang commercial model, sumikat siya nang makasama niya si Angelu de Leon sa sikat na teen-oriented television show na T.G.I.S. at ang karugtong nito na Growing Up.
Noong 2009, lumabas si Bobby sa Philippine remake series ng Zorro na ipinalabas sa GMA Network. Kasama siya sa installment ng Sine Novela na Kaya Kong Abutin ang Langit kasama sina Iza Calzado, Wendell Ramos at Angelika dela Cruz.
Noong 2010, bumalik siya sa ABS-CBN para maging bahagi ng Precious Hearts Romances Presents ng Impostor ni Martha Cecila. Napanood din siya sa hit primetime remake ng Mara Clara ni Emil Cruz Jr.
Noong 1990s, sumikat si Andrews sa hit GMA-7 at Viva na palabas sa telebisyon na T.G.I.S., isang teen-and-youth-oriented na palabas na nagpasimuno sa mga teen television drama sa Pilipinas. Noong 1997, ginawa niya ang hit soap na Ikaw Na Sana at nagtapos sa isang pelikula kasama ang kanyang co-star at noon ay screen partner na si Angelu de Leon.
Noong 1998, naging bahagi siya ng GMA soap tulad ng Ganyan Kita Kamahal at Halik sa Apoy. Noong 2002, naging bahagi siya ng melodramatic soap na Sana ay Ikaw na Nga. Noong 2004, pumunta siya sa ABS-CBN para magbida sa hindi na makakalimutang hit na unang fantasy television drama na Marina.
Noong 2005, naging bahagi siya ng unang fantaserye ng GMA-7 na Encantadia The First Season at Agawin Mo Man ang Lahat noong 2006. Noong 2007, bumalik siya sa primetime bilang Ronald Santilian sa primetime series na Walang Kapalit at 2008's, Lobo bilang supporting role. Noong 2009, naging bahagi siya ng Sine Novela afternoon soap na Kaya Kong Abutin ang Langit. Noong 2010, siya ay nasa afternoon hit soap na Martha Cecila's Impostor na nanguna sa afternoon line up at kadalasang nakikita araw-araw sa primetime remake ng Mara Clara ni Emil Cruz Jr. bilang Amanthe Del Valle.
#matineeidol
Ещё видео!