Tol ang mga notoryus na kriminal na ito na siyang kinilala sa kasaysayan ng Pilipinas ay may malalim na bahagi sa isyung panlipunan. Hindi lamang sila ang mga taong kinatatakutan kundi naging bahagi rin sila ng malaking tradisyon sa paggawa ng mga pelikula mula sa kanilang buhay na kontrobersiyal at kakaibang mga karanasan.
Marcial Perez Ama alias “Baby”. Ipinanganak noong 1935 at Tubong Binan Laguna. Hindi na naabutan ni Baby Ama ang kaniyang mga magulang kung kaya’t tanging lolo’t lola niya lamang ang nagpalaki sa kaniya. Pintor ang kaniyang lolo at ang lola niya naman ay nagtitinda ng mga pagkaing malalagkit o sinukmani. Alam nyo dahil nga sa magandang lalaki itong si Baby Ama, lapitin siya ng chiks hanggang sa may nakalive in siyang magandang babae na kalaunay nagdalang tao. Sa kalye siya lumaki, naging astig. D'yan niya rin natutunan ang iba't ibang diskarte sa buhay. Namumuhay siya sa mga agaw-trip na trabaho, mag-nakaw dito, manggantso roon. Kaso, miski ganoon ang tirada niya, kilala siya sa tropa niya bilang isang maaasahan at matulunging bata at higit sa lahat matapang tol! Kaso nga lang, medyo sablay ang paraan niya ng pagtulong, laging involve sa mga eksena ng krimen. Lagi siyang nasa listahan ng mga pulis sa lugar nila. Parang hobby na niya ang mag nakaw.
Noong October 11, 1924, sa panahon ng kolonyalismo ng Amerika sa Pilipinas, isinilang si Nicasio Rodriguez Salonga o mas kilala sa alyas nitong Asiong. Tinawag din siyang Hitler ng ilan dahil sa natatanging bagsik na katapangan niya. Hindi tiyak kung saan eksaktong lugar siya ipinanganak, ngunit sa kalaunan ay nanirahan siya sa Angustia, isang marahas na kalye sa Tondo, Manila. Sinasabing ang Tondo ang pinakamakapal na kabisera ng Maynila. Kilala rin ang Tondo bilang tahanan ng mga gang, gangsters, o mga hoodlum. Sa mundong ito, araw-araw ang karahasan at kaguluhan, kaya't hindi na nakakagulat na ang batang Asiong ay lumaking tuso, mapanlinlang, at malupit. Bilang isang batang lalaki, agad siyang nakilala sa Angustia sa edad na kinse. Kahit menor de edad, hitik na ang kanyang karanasan sa maling gawain. Pinatunayan niyang siya ay isang mautak at mabangis na gangster, na walang awa sa pagpapatupad ng kanyang kagustuhan. Isa-isa niyang pinabagsak ang mga kalaban na nagnais agawin ang kanyang kapangyarihan, at di nagtagal, naging hari siya ng Angustia.
Si Benjamin Garcia, mas kilala bilang Ben Tumbling, ay naging isa sa mga pinakakilabot na tao sa Pilipinas. Tubong Malabon si Ben at naipanganak siya noong June 7, 1957. Kilala siya bilang sakit sa ulo ng marami, kabilang na ang pulisya sa Bulacan, Malabon, at Quezon City noong dekada sitenta. Ang kanyang palayaw na "Ben Tumbling" ay nagmula sa kanyang kahusayan sa paggawa ng tumbling o acrobatics. Ayon sa kanyang ate na si Baby Garcia, si Ben ay ipinaglihi sa hipon at hito. Isipin mo yun, parang superhero origin story, pero sa seafood section ng palengke! Siguro kaya siya mahusay sa tumbling, dahil sa kanyang 'seafood powers' – lumalangoy lang sa mga problema at tumatalon sa mga hadlang. Ang tumbling na hito, ang acrobat na hipon. Kahit noong bata siya pa ay parang laging may extra energy drink sa katawan. Imbis na maglaro ng tumbang preso o patintero, si Ben ay abala sa skating, parkour, at kung anu-ano pang extreme sports. Kung may medal para sa pinakamahilig sa adrenaline, paniguradong gold medalist siya! At hindi lang 'yan, naging black belter pa siya sa karate – aba’y parang action star in the making! Ang mga karanasang ito ang nagbigay daan sa kanya upang maging stuntman sa mga pelikula.
Si Henry Santos Cruz, na mas kilala sa pangalang Alyas Pogi at tinaguriang "birador ng Nueva Ecija," ay nagmula sa isang pamilya na tubong Pampanga. Ang kanyang ama, isang dating bise mayor sa isa sa mga bayan ng Pampanga, ay lumipat kasama ang pamilya sa San Mariano, Santa Rosa sa Nueva Ecija. Dito lumaki at nagkaisip si Henry kasama ang kanyang mga kapatid na sina Gani, Chito, at Genaro o si Nerdie na isa ring magaling na nobelista. Noong dekada sisenta hanggang sitenta, panahon kung saan laganap ang kaguluhan sa Santa Rosa, Nueva Ecija, pinalaki ng kanilang magulang si Henry at ang kanyang mga kapatid na may takot sa Diyos. Si Henry, sa kanyang kabataan, ay naglingkod bilang sacristan sa isang simbahan. Isang araw maski mga simbahan sa kanilang lugar ay hindi pinalampas ng mga kriminal kaya naging saksi ang batang Henry sa brut4l na pagp4tay sa kanilang pari, isang pangyayaring nagdulot sa kanya ng matinding takot at trauma. Ito rin ang nag-udyok sa kanya upang magkaroon ng matinding galit laban sa kasamaan. Nang lumaki laki na si Henry bandang 1980s, umalis siya sa kanilang bayan at lumuwas sa Maynila upang doon makipagsapalaran.
True Crime Tagalog | Tagalog Crime Stories
MGA NOTORIOUS KRIMINAL SA PILIPINAS NA GINAWAN NG PELIKULA
Теги
Utol Fordcrime stories tagalogpinoy crime storieshorror stories tagalogpinoy horror storiescreepy factstotoong kwentojp amazing storieskaalamanpilipinas viral trendsnakakatakot na kwentocase story tagalognakakakilabot na kwentopinoy kababalaghan true storykababalaghan jessica sohokababalaghan 2022tagalog crime storieshari ng seldaalyas baby ama storyalyas asiongalyas asiong salongaalyas ben tumbling storyalyas pogi birador