FB
[ Ссылка ]
Pag-ibig na hindi namamalayan.
Pag-ibig na hindi alam.
Pag-ibig na hindi man lang mapagbigyan.
Pag-asang nakatali sa kaibigan
at pwedeng makasira lang.
Kaya't naguguluhan
kung dapat mong malaman,
at nararapat bang aminin ko.
O dapat 'wag na nga lang manggugulo.
Eh 'pag sinabi ko naman sa'yo na ikaw na nga,
magagawa pa bang ayusin pa?
Pagkat sa oras na malaman mo ay mag-iiba.
Unti-unti nang may mawawala.
At sana nga, bigla na lang malaman mo.
'Di sana, ang dali nito.
Hindi na rin magugulo ang isip ko.
Kasi, sa totoo lang ay ayoko na.
Ayoko na nag-iiba.
Pagkat ayoko nang isipin pa
kung dapat mong malaman,
at nararapat bang aminin ko.
O dapat 'wag na nga lang
manggugulo, manggugulo
Eh 'pag sinabi ko naman sa'yo na ikaw na nga,
magagawa pa bang ayusin pa?
Pagkat sa oras na malaman mo ay mag-iiba.
Unti-unti nang may mawawala.
Kailangan mong malaman na hindi ko ginusto.
at pilit kong sinubok na limutin ang damdamin ko.
At kahit na ayoko sanang mahulog sa'yo,
kailangan nang aminin ko na ikaw na nga.
Ikaw pa talaga. Ikaw pa talaga.
At 'pag hindi ko pa sinabi 'to ay mas lalala.
Palagi lang mapapaisip pa
at baka mas lalo pang ibigin ka.
Baka mas lalo pang ibigin ka.
*We are the band formerly known as Luna's!
