LEGAL BA ANG SANGLA-TIRA?
ANG SANGLA-TIRA AY ISANG URI NG CONTRACT OF ANTICHRESIS KUNG SAAN ANG UPA O RENTALS AT IBA PANG KITA O INCOME MULA SA ISANG LUPA O BAHAY AY GINAGAMIT NA PAMBAYAD SA TUBO NG UTANG. ANG SANGLA-TIRA AY KAILANGAN NA NAKASULAT O MAY NAKASULAT NA KASUNDUAN AT NAKALAGAY DOON KUNG MAGKANO ANG PRINCIPAL O ANG PERANG INUTANG AT KUNG MAGKANO ANG TUBO NA BABAYARAN. KUNG HINDI ITO NAKASULAT, ANG SANGLA-TIRA AY WALANG BISA SA BATAS.
Ang "sangla-tira" ay isang kontrata kung saan ang nagpapautang ay binibigyan ng karapatan ng umuutang na tumanggap ng mga renta o income mula sa bahay at lupa ng umuutang at ito ay pinambabayad sa tubo o interest ng utang. Usually, sa sangla-tira, ang buong renta sa isang pinto o isang kuwarto ang pambayad sa tubo. Kung hindi pa rin nababayaran ng umutang ang kanyang utang, hindi niya mababawi ang karapatan na kunin ang renta o income sa kanyang nasabing property. Ang ganitong kontrata ay pinapayagan ng batas ayon sa Article 2132 ng New Civil Code, ito ay tinatawag na "antichresis".
Article 2132. By the contract of antichresis the creditor acquires the right to receive the fruits of an immovable of his debtor, with the obligation to apply them to the payment of the interest, if owing, and thereafter to the principal of his credit. (1881)
Ayon sa Article 2134 ng New Civil Code, upang maging mabisa ang isang kontrata ng anti-chresis, ito ay dapat nakasulat kung saan ang principal o ang halaga ng perang inutang at ang sisingilin na tubo dito ay nakasulat at pirmado ng parehong partidos, ang nagpapautang at umuutang. Kung hindi ito nakasulat, ang kontrata na sangla-tira ay walang bisa.
Article 2134. The amount of the principal and of the interest shall be specified in writing; otherwise, the contract of antichresis shall be void. (n)
Article 2136. The debtor cannot reacquire the enjoyment of the immovable without first having totally paid what he owes the creditor.
But the latter, in order to exempt himself from the obligations imposed upon him by the preceding article, may always compel the debtor to enter again upon the enjoyment of the property, except when there is a stipulation to the contrary. (1883)
Ещё видео!