Published april 19 2021
VIDEOS
NEWS LOCAL NEWS
Vlogger Buknoy Glamurrr, Gabo Adeva apologize for fabricating a story about Awra, Vice Ganda
Humingi ng pagpapatawad ang vlogger na si Buknoy Glamurrr at kaibigang si Gabo Adeva sa pagkalat ng malisyoso at gawa-gawang kuwento laban kina Awra Briguela at Vice Ganda.
Parehong talents sina Buknoy, aka Andrew Luis Lapid, at Gabo, ng Star Image Artist Management.
FEATURED STORIES
TELEVISION
Jhong Hilario withdraws from Your Face Sounds Familiar: "Inisip ko talaga yung anak ko."
LOCAL NEWS
Alice Dixson responds to netizen telling her "please stop travelling" amid pandemic
CREATED WITH PH CARE
ASK AN EXPERT: Kailangan ba talagang gumamit ng feminine wash for the intimate area?
Ngayong Linggo, April 18, nag-trend ang mga pangalan nina Buknoy at Awra na tila matagal nang nagkakairingan sa social media.
Pero sa pagkakataong ito, below-the-belt ang mga naging hirit ni Buknoy sangkot ang walang kamalay-malay na sina Awra, Vice Ganda, at Ion Perez.
Nag-ugat ito sa live stream ni Gabo sa TikTok kasama si Buknoy.
Kumakain ng lunch si Gabo habang nakikipagkuwentuhan kay Buknoy nang mabasa nila ang sunud-sunod na comments ng netizens tungkol kay Awra.
Dahil dito, nagpanggap si Buknoy na siya si Awra at saka nagtahi ng mapanira at walang basehang kuwento sangkot ang magkasintahang Vice at Ion.
Lumalabas na sumulsol naman si Gabo na sinakyan ang kuwento ni Buknoy at siyang nagbato ng provocative questions tungkol sa walang katotohanang isyu.
Ещё видео!