Ang bagong Himno ng Sto. Tomas.
"AKO AY TOMASINO"
Bayang nakipaglaban dito sa katimugan
Ito ang aking lupang sinilangan
Minahal ng ating magulang ang aking kanlungan
Isisigaw sa buong mundo kanyang pangalan
Mula sa aking pagsilang
Hanggang kasalukuyan
Kasama ko at aking sandigan
Katangitanging bayan dito sa batangan
Mula noon hanggang ngayon
Tahanan ng mga bayani
Sto Tomas, Lungsod ng Sto Tomas
Minamahal kita Sto Tomas
Sto Tomas, Lungsod ng Sto Tomas
Pinagmamalaki kita Sto Tomas
Aalagaan, iingatan
Buhay ko ay sayo ilalaan
Dahil Taas noo, Tayoy Pilipino
Akoy tunay na Tomasino
Sto Tomas, Lungsod ng Sto Tomas
Minamahal kita Sto Tomas
Sto Tomas, Lungsod ng Sto Tomas
Pinagmamalaki kita Sto Tomas
Aalagaan, iingatan
Buhay ko ay sayo ilalaan
Laging Taas noo, Tayoy Batangueño
Akoy tunay na Tomasino
Ещё видео!