ANG LAMAN NG DIARY NI PEPSI PALOMA
Walang alinlangan na isa sa mga nakakaintriga na pop culture figures sa kasaysayan ng bansa, ang kwento ng buhay ng Pepsi Paloma. Malungkot at mahiwaga.
Bagaman nangyari 35 taon na ang nakalilipas, ang kanyang pagkawala ay patuloy na pinag-uusapan sa panahon ngayon. Lalo itong naging matunog sa pagsikat ng kanta ng Eraserheads na Spolarium na kung saan, ang pinapaksa ng kanta ay ang nangyaring gang rape at pagpapatigil umano ng mundo na maaring nangangahulang pagkawala.
Ngayon ay pag-usapan natin ang nilalaman ng mahiwagang Diary ni Pesi Paloma. Ang nasabing Diary ay naisulat mula sa mga petsang Abril 26 hanggang Mayo 18, taong 1985
Nakasaad sa unang bahagi ng Diary ni Pepsi ang mga katagang
“I love yah…Ms. Pepsi Paloma….love always,”
Ang mga sumusnod na pahina ay naglalaman ng mga gastusin gaya ng
P2,000 for school accessories, notebooks , pencil, scissor, paste, at bag (Para sa gamit sa eskwela)
P 2,000 for the (g.olate and pert. set) dated May 25, dentist (w/ Tita Amphy), dated May 20; (para sa dentista)
P2,000 for payment of the house; (Para sa Upa ng Bahay)
P250 for yaya of Chuck, dated May 22;
P250 for maid.
P1,000-d. bank;
P1,000-dentist;
P2,000-p. house;
P1,000 enrollment;
P500-maid;
P2,000-plate;
P1,000-grocery;
P250-curtains;
P500-rice for mother;
and P500-Zaldy for S.
Ang kabuuang halaga ay 9750 pesos. Sa ibaba ng kabuuang halaga ay may nakasulat sa malalaking letra ang mga salitang
“Make it less its to much expenses. ”
Sa parehong diary ay binanggit ni Pepsi ang maraming mga isyu na posibleng nagtulak sa kanya upang tapusin ang kanyang buhay.
Mga problema sa pananalapi, hindi pagkakaroon ng sapat na mga role sa pelikula, ang bigat ng mga responsibilidad sa pamilya, at maging ang kanyang inang nasa malayo na hindi nya nakikita.
Narito ang mismong nakasulat sa kanyang diary.
“Wala akong masyadong pelikula. Maraming gastos…..Ako lahat ang gumagastos sa bahay, pati pang-tuition ng mga kapatid ko…..Hindi ko alam kung itinuturing akong tunay na anak ng nanay ko.”
Ito raw ang nagtulak sa aktres na tapusin ang kanyang takbuhin sa buhay na ito.
Ngunit sa kabilang dako ay pinasusubalian ito ng Manager ni Pepsi na si Babette Corcuerra dahil hindi umano mabigat na dahilan ang angulong depression sa mga material na pangangailangan upang tapusin ang kanyang buhay.
Ang totoo daw ay kumikita anya si Pepsi ng malaking halaga sa mga panahong iyon, at katunayang inampon pa nya ang 4 na buwang si Chuck at excited pa umano ang aktres sa paghahanda para sa kanyang debut dahil sa siya ay 17 taon na noon.
Dagdag pa ni Concuerra ay mga may alok pa anyang mga role kay pepsi na maging star sa mga pelikulang Dormitory Girls, Savage Girls, at May Batas sa Daigdig.
Ngunit napag alaman din ng mga awtoridad sa kanilang masusing iimbistiga sa kaso, ang vulnerable Psyche ni Pepsi o ang maaring pagkawala sa katinuan.
Naikwento umano ni Sarsi Emanuelle na isa sa mga Soda Beauties at isa sa pinaka matalik na kaibigan ni Pepsi, na nagtangka na umanong magpakamatay ang Aktres sa kanayang apartment isang lingo bago sya tuluyang pumanaw.
Dagdag pa ni Sarsi Emanulle, na ang problema umano sa kanayang pamilya nag dahilan, ng nasabing pagtatangka.
May mga pagkakataon din umano na noong 1982, habang dinirinig sa senado ang rape case, ay nagtangka umanong syang hiwain ng blade ang kanyang sarili ngunit napigil sya ng kanyang manager at ni Gil Gurrero.
Si Pepsi Paloma ay inilibing noong June 8, 1985 sa Olongapo Memorial Park. Dinala siya sa kanyang huling hantungan ng kanyang nagdadalamhating pamilya, libu-libong mga tagahanga, at mga kilalang tao tulad nina Laila Dee, Myrna Castillo, at Mello Sadiwa.
Ngunit ang mas mahalaga ay ang mga hindi nasagot na mga katanungan, madilim na mga lihim, at hindi mamataymatay na mga kontrobersya na magpakailanman ang pangalang Pepsi Paloma ay nakatago sa isang misteryo.
Magsubscribe sa aming munting channel para sa mga istoryang kahihiligan ninyo. Huwag kalimutang e like ang videong ito, upang Makita mo agad ang mga susunod naming istorya.
Tingnan at magsubscribe na rin sa mga channel na ito. Salamat kasama.
#Subscribe4More
#LikeAndShare
#PepsiPaloma
ANG LAMAN NG DIARY NI PEPSI PALOMA
Теги
pepsi palomapepsi paloma casepepsi paloma public apologypanggagahasa kay pepsi palomasino si pepsi palomasino ba si pepsi palomapepsi paloma rape casevic sotto and pepsipublic apology of vic sotto and joey de leon to pepsi palomathe victim pepsi palomanaked island pepsi palomapepsi paloma boldbold 80spepsi paloma picturepepsi paloma suicideeat bulaga nag pepsi palomatito vic and joeyvic sotto at pepsi palomajoey de de leon at pepsi paloma