Ito ang awiting para sa ating mga magulang.
"Yakap" – isa sa mga pinakamadaling paraan para pumawi ng galit, ipadama ang pag-ibig, at sabihing “Ma, Pa, salamat po.” Pakinggan ang MusiKo na ito mula sa mga anak para sa ating mga magulang.
Yakap by Paulo Miguel Guinto and Jonald Jay Pineda
Yakap
1
Sa puso ninyo ay laging ako ang laman
Buhay at ang lakas, sa akin inilaan,
At ayaw n’yong maranasan ko, mga hirap sa mundo.
Marami kayong tiniis, para lamang sa kinabukasan ko.
Pre-Chorus
Ngayon ay nangangako na iingatan ko
Lahat ng paalaala ninyo na aking natamo.
Chorus
Laging yayakapin, mga payo at saway ninyo
Ito’y aking tulay upang makamit ang tagumpay
Ang payapang buhay, natamo’t naramdaman
Pagkat ako’y niyakap n’yo ng inyong mainit na pagmamahal.
2
Pangakong laging susundin mga pangaral mo, Itay
Pagpapayo mo ay aking tutuparin, aking Inay
Aking pahahalagahan ang inyong mga pagpapagal
At sa inyong pagtanda ako naman ang sa inyo ay aakay.
(Repeat Pre-Chorus & Chorus)
Bridge
Aking pahahalagahan ang panahon
Hindi sasayangin ang pagkakataon
Ibibigay, dalisay na pagmamahal
Ipadarama sa inyo habang-buhay—Itay at Inay
(Repeat Pre-Chorus)
(Repeat Chorus)
CREDITS
Band
Vocals: Paulo Miguel Guinto
Guitar: Raven San Pascual
Piano: Nicholson Toñacao
Cello: Trixie Alvaran
Violin: Jonald Jay Pineda
Musical Arranger: Jonald Jay Pineda
Animator & Graphic Artist: Marco Felix Ledda
Ещё видео!