Proud To Be Batang 90's
Kay sarap balikan, mga panahong lumipas.
Mga alala na parang imposible ng ibalik pa
Ngunit kapag ito'y naalala tiyak ika'y mapapatawa.
Halina't balikan ang ating kabataan.
Naaalala mo pa ba mga panahong "jolen at teks" lang sapat na?
Naaalala mo pa ba yung kahit mataas na ang sikat ng araw may kalaro ka lang masaya ka na?
Naaalala mo pa ba yung kahit galit na galit na ang nanay mo sa kalat ika'y nagluluto lutuan pa?
Naaalala mo pa ba yung dahon ng bayabas ang ginagawa mong pera para lang may pambili sa kalaro mong may tinda ng halo halong puro dahon lang pala.
Away dito, away doon,
Tawa dito, tawa doon
Mga emosyon na tanging kabataan lamang ang may alam.
Ang tanging problema lamang ay ang pagbukas ng kendy at pagtali ng sapatos kapag nahihirapan na.
Kaya kay sarap magbalik tanaw sa mga alalang tayo lang ang may alam.
Ещё видео!