Ilang munisipyo sa probinsya ng Davao Occidental ang nagkansela ng klase dahil sa matinding pagbaha dulot ng walang tigil na pag-ulan. Idineklara ang kanselasyon ng klase si Mayor Claude Benjamin Bautista II sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa Sta. Maria ganun din si Mayor Jayson John Joyce Jose Abad Santos.
Habang ang Brgy. Tubalan din sa lungsod ng Malita ang nasalanta ng matinding pagbaha na nagresulta sa pagkaantala ng trabaho at klase ng mga estudyante. Abot hanggang bubong din ang tubig na rumagasa sa isang paaralan ng elementarya sa naturang barangay. Ilang mga kabahayan ang pinasok ng tubig-baha lalo na sa mga residente sa mga sitio ng Crossing, Baybay, Alibungog at Kitana.
Sa Brgy. Buhangin naman sa Malita pa rin, ilang mga kalsada ang hindi madaanan dahil sa pagguho ng lupa. Kaya naglabas ng advisory ang Provincial Risk Reduction Management Office Head na si Harry Chester Camoro na hindi passable ang kalsada sa Buhangin, Malita - Malita Highway dahil sa maraming lupa at malalaking bato na nakaharang sa daan. Kaya nagtulong-tulong ang mga residente upang maayos ang daan.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang clearing operations na ginagawa ng mga awtoridad, barangay officials at mga kawani ng PDRRMO.
Nanawagan naman sila sa mga motorista na mag-ingat dahil may mga lugar at kalsada pa ang hindi naayos ng mga awtoridad.
===============
We deliver the newest news fast, fresh, clear, and accurate thru our Radyo Agila reporters, correspondents and stringers all over the world.
Visit official website: www.radyoagila.com
Subscribe to us!
Telegram: [ Ссылка ]
Twitter: [ Ссылка ]
Instagram: instagram.com/radyoagila
YouTube: [ Ссылка ]
Ещё видео!