Idinulog ni Sen. Raffy Tulfo sa pagdinig sa Senado ang ulat ng pag-alis ng sikat na toy collector na si Yexel Sebastian at partner niyang si Mikee Agustin patungong Japan sa gitna ng pagkakaugnay umano ng dalawa sa P200-milyong investment scam.
Kamakailan ay nakatanggap ng mga reklamo si Tulfo sa kanyang programa sa radyo mula sa mga naging biktima umano ng dalawa.
"Mayroon akong kakilala, kasabay niya sa eroplano itong dalawang magkasintahan sakay ng Cebu Pacific going to Nagoya, Japan. Hindi ko alam kung ito'y tatakas na or baka pupunta doon sa Nagoya para mag-recruit na naman ng investors."
Kinumpirma naman ito ng Bureau of Immigration (BI) ngunit iginiit din nilang walang hold departure order at derogatory record ang dalawa kaya ito nakalabas ng bansa.
Ayon pa sa BI, maaari namang mag-isyu ng lookout bulletin ang National Bureau of Investigation (NBI) para kina Sebastian at Agustin ngunit kinakailangang may nakahaing reklamo sa prosecutor's office laban sa kanila. #News5
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: [ Ссылка ]
Website: news5.com.ph
Ещё видео!