May tugon si suspended 3rd District Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. sa pagkadismaya umano ni Interior Sec. Benhur Abalos sa hindi pagharap ng kampo nito sa preliminary investigation kaugnay ng Degamo murder case. Muling iginiit ng kongresista na wala silang natanggap na subpoena kaya hindi sila dumalo sa imbestigasyon.
Kinuwestiyon din ni Teves ang aniya'y pambibintang ng kalihim sa kaniya sa krimen kahit na hindi pa naiimbestigahan ang lahat ng anggulo sa pagpatay kina dating gobernador Roel Degamo at iba pa.
"Isa pa Abalos, bakit ako na agad pinagbibintangan mo? 'Di ba 'di n'yo pa nga naiimbestigahan lahat ng anggulo? Sabay ngayon nakapuntirya na kayo sa akin. Ako na kaagad 'yung suspek nyo? Bakit nakaturo na kayo sa akin? mali 'yun 'di ba?" ayon kay Teves. #News5
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: [ Ссылка ]
Website: news5.com.ph
Ещё видео!