Nagpasalamat si Pamplona, Negros Oriental Mayor Janice Degamo kay Pres. Bongbong Marcos at sa pamahalaan sa lahat ng tulong na ibinibigay nito sa kanila matapos ang pamamaslang kay governor Roel Degamo. Hinayag din niyang malaki rin ang tulong ng media sa pag-uulat ng pangyayaring ito.
"[N]akikita namin ang effort ng lahat... We are really hopeful that peace in Negros Oriental will return after we uncover the truth po, and the mastermind will be unmasked," aniya sa isang panayam.
Hinihiling din niyang mag-imbestiga ang Senado ukol sa pagpaslang sa kanyang asawa dahil nakikita niyang matatamo ang hustisya kapag isinalang ito sa isang pampublikong pagdinig.
Nitong March 6, inihain ni Sen. Risa Hontiveros ang Senate Resolution No. 518 upang imbestigahan ng Senado ang pamamaslang kay governor Degamo at ang serye ng mga patayan at pagtatangka sa buhay ng mga nasa pulitika sa kasalukuyan. #News5
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: [ Ссылка ]
Website: news5.com.ph
Ещё видео!