Balikan natin ang prime Asi Taulava ang pinaka dominant center na naglaro
sa PBA.
Malakas,matangkad, at
very explosive sya ang
nag dominana ng Philippine basketball ng early 2000s...
Balikan natin ang panahon
ng pinaka dominant big man
sa kasaysayan ng PBA, Asi Taulava.
Kumusta mga chong, ako si Aj.
pag usapan natin ang isang alamat.
Si Asi ay isa sa mga Fil-foreign cagers na dumating sa Pilipinas nung late 90s to early 2000s.
Kasama ni Sonny Alvarado, Eric Menk, Rudy
Hatfield..sila ang mga na unang Fil-American players na yumanig sa liga.
Bitbit nila ang American brand of basketball sa pinas. Mas malakas, mas mabilis, mas exciting na plays..sila ang
bagong breed ng PBA superstars
At oong 1999, isang 6 foot 9 Filipino- Tongan player ang dumating sa PBA Taulava, isa na
syang bantog na pangalan sa PBL noong araw. Galing sa BYU–Hawaii, isang NCAA Division II team. Kung saan galing si Eric Mika at Yuta Tabuse.
Isang direct hire galing PBL
ng Mobiline Phone Pals.
Sa Rookie year pa lang nya nag average ng 17.1points, 3.3 assists at 12 rebounds.
Nagulatantang ang liga sa lakas
ni Asi sa loob. Agad nag formulate ng depensa ang mga teams,
double team agad pag hawak ni Asi ang bola.
At ng 2nd year nya lalo syang lumakas at nag average
ng 21.5 points, 13.8 rebounds at 3.5 Assist... talagang
sa kanya na ang PBA.
Unti-unti nilang pinaligiran si Asi ng mga players na bubuo ng isang championship squad,
Kasama si Harvey Carey, Mark Telan
Vic Pablo, Bong Ravena at Jimmy Alapag.
Sila ang team, na pangugunahan ni Asi patungo sa
2003 All Filipino Cup championship.
Pero ang tunay na laban ni Asi ay sa labas ng court. Nagkaron ng
Senate hearing na pinangunahan
ni Senator Robert Barbers patungkol
sa mga dokomentong pinasa ng Fil-foreign playes, na kalaunan ay tinawag na Fil-shams.
Napaka laking daguk nito sa isang
young Asi Taulava, na candidate for MVP nung 2000 All Filipino Conference.
Tuluyang na deport si Asi,
Pero dahil sa pagpupursige na patunayan sya at tunay na Pilipino, agad syang nakabalk ng 2001 conference paramag dominate.
At ng 2003 naging MVP
kung saan nag average naman sya ng:
10.3
23.4 points
14 rebounds
3.6 assists
1.3 Blocks per game
PBA champion (2003 All-Filipino)
PBA Finals MVP (2003 All-Filipino)
PBA Most Valuable Player (2003)
Sinubok ulit ang kanyang pagka Pilipino noong 2004, ng DOJ.
Pero paulit-ulit man nilang subukin si Asi, hinding hindi
mababali ang katotohanan na si
Asi ay isang half Filipino.
Ayon kay Paul Afeaki Khouri,na pinsang buong ni Asi Taulava, isa ring 6'9 na basketbolista...
na nag laro sa Japan
at sa Lebanon. Ang nanay ni Asi Taulava, ay isang Pilipina na nagngangalang
Pauline Hernandez na tubung Samar.
Sa international play naman
Sa loob lagpas isang dekada from
2000-2011, si Asi lang ang nag-iisa bigman na kaya tumapat sa mga
higante ng Iran, Lebanon at iba pang bansa sa Asya.. kaya na bansagan syang "Lone Big Man of the Philippines"
Sayang masyado pa bata si Junmar Fajardo noon para tumulong.
Sya ang naging angkla ng depensa ng Pilipinas noong 2000s
Nag retire si Asi sa International play noong 2011, pero nagbalik ngtinawag ng bandila ng 2015 para tulungan ang Pilipinas magtapos ng Silver sa FIBA Asia
17
Sa edad na 47, active player parin
si Asi sa PBA, maasahan parin sa loob. Wala na ang mga explosive dunks nya, at double double figures
pero andun parin ang galaw at ang puso sa laro.
Ang video na ito, ay isang pag pugay
sa isang alamat. Sana na gustohan ninyo.
-------------------------------
"I’ll make all the necessary sacrifice for Team Pilipinas and our country."-Asi Taulava
-----------------------------------
Kung na gustohan nyo ang video
na to. Please subsribe and hit that notification bell button, road to 1000 subscribers po tayo.
At as always maraming salamat po.
Ещё видео!