Dahil maraming nagtatanong don sa last video ko ng Maja Blanca kung paano ito gagawing business, gumawa ako ng video na ito para sa inyo. Nakalagay na sa video ang lahat ng detalye na maari ninyo itanong pero kung may nakaligtaan ako, COMMENT DOWN BELOW and susubukan ko pong sagutin.
#majablanca #majablancarecipe
Ang recipe na ito ay nakagawa ng 14 TUBS 500 ml na may more than 1 inch na kapal. Nasa sa inyo kung gaano kakapal ang gusto ninyo. Kung need ninyo ng mas maraming tubs, doblehin or multiply lang ang mga ingredients.
MAJA BLANCA FOR BUSINESS WITH COSTING
3 PIECES NIYOG (MALAKI) (25 EACH) = 75.00
400 GRAMS CORNSTARCH = 50.00
1 CAN 400ML EVAPORATED MILK = 25.00
1 CAN 390G CONDENSED MILK = 33.00
1 CAN CREAM STYLE CORN = 36.00
ASUKAL (1 AND 1/2 CUPS) = 20.00
CHEESE (QUEZO) = 34.00
500 ML TUBS (52 PER 10 PIECE) X 14 = 73.00
TOTAL = 346.00
OTHER EXPENSES: TRANSPO, GAS, etc. (70 PESOS)
346 + 70 PHP TOTAL EXPENSES: 416 php
PRODUCT SRP : 55 PESOS EACH TUB x 14 = 770 php
KITA: 354 PHP
NOTE: Ang mga prices ng ingredients ay pwedeng magkaiba iba depende kung gaano karami ang binili, sa brand ng item at kung saan binili. Ang mga prices na nakaindicate sa taas ay ang actual na presyo ng mga ingredients na ginagamit ko sa recipe na ito.
ANOTHER NOTE: Ang SRP na nakaindicate dito ay pwedeng baguhin. Dine sa amin, pinakamura na ang 55 pesos per tub. Pwede magpresyo mula 55 to 70 depende sa kapal ng maja at sa dami ng toppings.
ADDITIONAL TIPS
Para mas makamura at lumaki ang kita, bulto ang pagbili ng mga sangkap. Mas mura kasi siya compared sa retail.
Pwedeng gumamit ng ibang lalagyan na mas mura compared sa mga microwavable na tubs. Depende na po sa marketing and promotion nio. Mas mura kasi yung mga styro at paper plates.
FAQS
1. Pwede po bang gumamit ng gata na nasa lata?
YES. pwede po. Sa recipe na ito, bale 12 cups ang ginamit ko (gata+tubig) na kasi piniga. Kung puro ang gagamitin, gumamit ng 6 cups na purong gata sa lata at haluan ng 6 cups na tubig.
2. Pwede bang wag na haluan ng tubig ang maha?
Since pang negosyo ito, i kept the ingredients affordable para mas mataas ang mark up pero di masasakrifice ang lasa. So kung ayaw mo lagyan ng tubig, pwede gumamit ng purong gata sa lahat, 12 cups na gata para sa 400 grams na cornstarch.
3. Pano po pag yung kinikilo na cornstarch?
Pwede pong gumamit ng ibang brand ng cornstarch. Para sa recipe na ito, gumamit ng 4 cups or kalahating kilo ng cornstarch.
4. Gaano po katagal ang shelf life nito?
Pwede itong hanggan 5 days sa loob ng ref (yes, nasubok ko na and okay pa siya for 5 days. Kung pam business, I suggest na wag muna lagyan ng cheese or any topping bago ilagay sa ref. Upon selling na lang or bago i-serve sa magtopping.
5. Sinunod ko naman po ang recipe, pero bakit malambot ang gawa ko?
Karaniwan kaya nagiging malata ang texture ng maja blanca ay dahil nasosobrang ng liquid. Kaya nga po dapat sundin mabuti ang bilang ng takal ng mga ingredients. ALSO, kailangan halong halo ang maja after mailagay ang cornstarch para siguradong well-blended siya at tumigas.
Kung may katanungan or suggestion, COMMENT DOWN BELOW.
(Wag po mahihiyang magtanong) :)
HAPPY COOKING AND GOOD LUCK SA BUSINESS!
Ещё видео!