Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Junior
ang pagbubukas ng tatlong araw na livestock at aquaculture philippines 2023 sa World Trade Center, Pasay City.
Maraming exhibit na agricultural equipment mula sa local at international na kompanya.
Namangha at natuwa ang mahal na pangulo sa nakita niyang mag makabago na kagamitan na magagamit para mas umunlad ang sektor ng agrikultura partikukar sa livestock at aquaculture.
Pinahayag din ng pangulong Ferdinand Marcos Junior na tagumpay ang trial ng phase 1 ng african swine flu vaccine.
Dahil 80 percent ang efficacy ng naturang bakuna.Kaya iminungkahi ng pangulo ng pwede ng maglabas ng certificate of product registration ang Food and Drug Administration.
Dagdag pa ng pangulo na minamadali na din makabili ng vaccine para sa avian flu para mapataas ang produksiyon at matulungan ang mga magmamanok sa bansa.
Binigyan diin ng ating mahal na pangulo ang importansiya ng exhibit at
Conference sa livestock at aquaculture para mapataas ang produksiyon
Ng mga magsasaka gamit ang mga makabagong teknolohiya.
#latestnews #agriculture #livestock #aquaculture #worldtradecenter #philippine2023 #pbbm #asfvaccine
Ещё видео!