Nais kong paratingin sa mga Ministro lalo na yung mga bago na noong ang Iglesia ay nakasagupa ng rebelyon, ibig sabihin pag-aalsa sa hanay ng mga Ministro sa panahon ng Sugo, na hindi pangkaraniwang mga Ministro kundi mga pangunahin at sila ay nangaalis at nangatiwalag, maraming mga kapatid ang nagpunta sa Sugo at nagsabi, “Kapatid na Manalo, hindi ba isang napakalaking kawalan ng Iglesia ito? Paano ngayon? Paano ngayon ang Iglesia e yung mga taong pinagkakatiwalaan ninyo, yung mga taong pangunahin pa naman sa Iglesia ay nangawala at sapagkat sila ay nagsipag-alsa.” Ano ang sagot ng Sugo? “Eh ang Diyos ang magpapalit. Pagka inalis natin ang masama, ang ipapalit ng Diyos ay mabuti. Pagka pinapanatili natin ang masama, yun ang maglulubog sa atin. Pero pagka inalis natin ang masama at pinalitan natin ng mabuti eh lalong susulong at lalakas ang Iglesia.” Ngayon ang tanong ko sa inyo na mga dinatnan ng huling panahon, nakasira ba sa Iglesia yung mga pag-aalsa ng kung sinu-sino, ayoko ko nang pagbabanggitin ang pangalan at nakakasuka sa kalooban, ang tanong ko lang ay ito, “Noon bang sila’y alisin, anuman ang malalaking katungkulang hawak nila, sila ba ay nakapagpahina sa Iglesia o lalong lumakas ang Iglesia?” (Sagot ng kapulungan: “Lalong lumakas ang Iglesia.”) O ayon, mabuti at nagkakaintindihan tayo.
I would like to extend to the Ministers especially new ministers previously when the Church encountered a rebellion, as in the revolt amongst the ministers during the time of the Messenger who weren’t just common ministers but principal ministers who removed and expelled many brethren approached the Messenger saying, “Brother Manalo, isn’t this a great loss for the Church? What happens now? What’s going to happen to the Church now since those whom you actually entrusted who were also principle ministers to lead the Church are gone because they revolted?” What was the answer of the Messenger? “God will replace them. If we remove what is evil God replaces it with good. If we allow what is evil to remain that will sink us or pull us down. But once we remove what is evil and we replace it with good the Church will all the more grow and become stronger.” Now my question to you who have reached these last times, was the Church ruined by those who revolted, I don’t want to mention their names [for] it will make you sick inside, my question is this, “When they were removed however great of a duty they held did they cause the Church to weaken or did the Church become even stronger?” (Congregation answers: The Church became even stronger) That’s it, good that we understand each other.
Ещё видео!