‘CCCC IS A PREDATORY COMPANY’
Ito ang binigyang-diin ni Sen. Risa Hontiveros kaugnay ng panawagan niyang ipatigil ang operasyon ng Chinese Communication Construction Co. (CCCC) sa bansa matapos ang water cannon attack ng China Coast Guard (CCG) sa supply boat ng Philippine Coast Guard #PCG sa Ayungin Shoal.
“May kasaysayan ito ng pakikisabwatan sa Chinese maritime militia para sirain ang mga coral reefs sa West Philippine Sea. Napag-alaman din natin na itong kumpanya ay kasama sa mga nagtayo ng artificial militarized islands sa ating karagatan,” pahayag pa ni Hontiveros.
Aniya, kinansela na ni dating Finance secretary Sonny Dominguez ang loan applications ng CCCC sa bansa, kaya nararapat lamang aniya na huwag nang tumanggap ang Pilipinas ng anumang pondo mula rito.
“The CCCC is a predatory company. It acts in the guise of a legitimate business, but it is only aiding the Chinese state in its creeping invasion. Ang dami nang atraso ng China sa Pilipinas. Bugbog na tayo pero dapat tayong tumayo at manindigan,” dagdag pa niya. #News5 I via Maeanne Los Baños
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: [ Ссылка ]
Website: news5.com.ph
Ещё видео!