Kahit pa tila suntok sa buwan ang makipagsabayan sa isang manlalarong ang kalibre ay pangmalakasan, ang ating sariling player, kay Karl Anthony Towns ay pilit na nakipagsabayan. Halika, tingnan nating ang mga mahuhusay na galaw nitong si Abay, pati na ang matinding pinag-uusapan matapos ang kanilang unang laban. #SuntokSaBuwan #gilas #fibawc
Iba ang pokus nitong si Abay sa gabing iyon. Determinadong makapag-ambag para sa kanyang koponan. Kaya naman sa kanyang magandang pwestuhan sa ilalim ay siya nga ay nabibiyayaan. Mga magandang pasa ang kanyang natanggap mula sa mga sumasalaksak na gwardiya ng gilas.
Dahil na rin marahil sa labanan sa pwestuhan, naganap nga ang isang insidenteng pumukaw sa atensyon ng karamihan – ngunit hindi ng mga official. Isang pagkakataong tila nasikmuraan itong si JMF ng isang manlalarong ng Dominican Republic. Banggit pa nga niya ay siya ay nayanig. Gayunpaman, dahil hindi naman takaw away, balik-laro na lang si June Mar.
Minsan mo lang din makikita si Fajardo na aktibo sa depensa. Dahil kadalasan, siya ang sentro ng atensyon at dapat pigilan sa loob ng court. Minsan lang din mangyari na sa buong laro, hindi magmimintis sa lahat ng iyong tangka. At ang lahat ng yan, ginawa ni Abay sa harap ng crowd na makasaysayan.
Anong masasabi ninyo sa naging laro ni June Mar Fajardo? E sa naganap na pagkakayanig sa kanya? Kaya kaya nyang maulit ang ganitong mga numero sa kanilang susunod na laban? Kaya kayang muling hindi makita ng mga opisyal ang ganitong mga pangyayari sa loob ng court?
__________________________________________________________________________________
Manood ng live!
Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO!
This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc.
[ Ссылка ]
[ Ссылка ]
[ Ссылка ]
Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!
Ещё видео!